Home » Post Item » Pisika
Pisika
Sunday, September 10, 2006Umulan kanina, kasabay ang tila isang platoon ng sundalo na nagtatakbuhan sa bubong ng aming bahay. Mas trip ko pa na ibabad na lang ang tainga sa static ng radyo kaysa marinig ang ingay nito. Katuwang ng pagpapalitan namin ng SMS ni Jade ay ang pagtalakay sa aming pag-aaral. Tunay ngang dudugo ang iyong utak sa panunuri sa mga prinsipyo sa likod ng pisikal na mundo. At ganun na nga lamang ang aking pagbatid na hindi lang ako ang hirap umintindi. Lecheng kurso, gusto ko nang sumuko.





