Home » Archives » 28. September 2006
Isang Libo’t Isang Gabi
Thursday, September 28, 2006Huminto kami sa bahay, sa tawag ng isang pabor. Kung anong naisip niya at bakit ay hindi ko lubos mahabi. Ang inakala kong payak at napakalayong posibilidad ay biglaang sumabog, tila'y isang araw na ginapos ang gabi. Gayun nga at nangyari ang mangyayari, kabila ng makailang ulit na pag-aalinlangan. Pero, sino nga ba ang tatanggi gayung minsan at minsan lamang ito darating. Unti-unti, ay isang pagtalakay sa kung sino at sino pa nga ba ang kabilang sa kanyang mumunting pelikula. Makaraan ay ang pahirapang pag-uwi, ang tipong madalang na pagparoo't-parito ng masasakyan. Hindi ko na batid kung saang lupalop siya nakarating. Mahirap kimkimin, kung sakali mang aking ipagsabi, daan-daan ang aking gagalitin sa isang libo't isang gabi.





